CAGAYAN DE ORO CITY – Ipi­nag-utos ng Land Transportation Fran­chising and Regulatory Board (LTFRB) ang imbestigasyon sa pagkakasalpok ng bus sa isang simbahan, na ikinamatay ng tatlong katao sa Malaybalay, Bukid­non, nitong Huwebes ng hapon.

Ayon kay LTFRB 10 Regional Director Allan Guro, ini-report niya sa Central Office ang aksidente at ipinag-utos sa kanya ni LTFRB board member Atty. Aileen Lizada na magsagawa ng imbestigasyon.

Nag-isyu si Guro ng “Show Cause Order” sa operator ng bus, ang Rural Transit Mindanao Inc., (RTMI), na sangkot sa aksidente para magsumite ng report hinggil nangyari sa loob ng 72 oras matapos ang aksidente.

Ayon kay Guro, ang bus (KVR 367), na may biyaheng CDO-Valen­cia, Bukidnon, ay patungong Valencia nang maganap ang aksidente.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa tatlong namatay, dalawa ang pasahero habang ang isa, na menor de edad, ay tinamaan ng bus.

Kinilala ang namatay na pasahero na sina Irene Gaa, 30, ng Bgy. Carmen, Cagayan de Oro; at Regine Abug, 10, Purok 2, Bgy. Maligaya, Malaybalay.

Habang ang tinamaan naman ng bus ay kinilalang si Jomiaca Tacay, 14, ng Bgy. Patpat

-CAMCER ORDONEZ IMAM