MUKHANG hahakot ng international award ang docudrama ng GMA-7 na Alaala: A Martial Law Special dahil pagkatapos manalo ng Silver World Medal sa New York Festivals World’s Best TV & Films, nanalo naman ito ng Gold Camera sa Docudrama category sa 50th US International Film & Video Festival.

ALDEN SA 'ALAALA'

Kasama sa kino-congratulate sina Direk Adolf Alix, Jr., Alden Richards, Rocco Nacino, Bianca Umali at Gina Alajar, ang main cast ng docudrama.

Dahil dito, nagre-request ang fans ni Alden kay Direk Adolf na muli silang mag-collaborate sa iba pang docudrama gaya ng Alaala na mapapansin at mananalo ng award sa ibang bansa.

Matapos makaharap si Marian: Sassa Gurl, na-realize 'di siya perpektong tao

Kaya lang, hectic ang schedule ni Alden kaya mahihirapan siyang gumawa uli ng documentary, pero nasa scheduling lang ‘yan. Siguradong kapag maganda ang project, si Alden mismo ang gagawa ng paraan para magawa ang proyekto.

Sana lang, wala ng mga bitter na magsasabing hindi si Alden o ang cast ang nanalo, kundi ang docudrama. Part ang cast ng docudrama, ibig sabihin nanalo rin sila at karapatan din silang i-congratulate sa ayaw at sa gusto ninyo.

-NITZ MIRALLES