GINAPI ng defending champion Pocari Sweat-Air Force ang Iriga-Navy, 25-8, 23-25, 25-18, 25-16, nitong Miyerkules sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan.

NAPASIGAW sina import Arielle Love at Myla Pablo ng Pocari Sweat nang sumubsob ang kanilang kasangga sa pagtatangkang maibalik ang bola mula sa service play ng Iriga-Navy sa kaagahn ng kanilang laro sa PVL sa The Arena. (RIO DELUVIO)

NAPASIGAW sina import Arielle Love at Myla Pablo ng Pocari Sweat nang sumubsob ang kanilang kasangga sa pagtatangkang maibalik ang bola mula sa service play ng Iriga-Navy sa kaagahn ng kanilang laro sa PVL sa The Arena. (RIO DELUVIO)

Kumana si American import Arielle Love ng game-high 25 puntos mula sa 18 atake, limang blocks at dalawang service aces para sa ikaalwang panalo sa apat na laro ng Lady Warriors.

Kumumbra si skipper Myla Pablo ng 16 puntos, habang tumipa sina Madeline Palmer at Jeanette Panaga ng 13 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Very happy (ako) kasi aim namin habang tumatagal dapat pataas ang laro namin,” pahayag ni Pocari Sweat-Air Force coach Jasper Jimenez.

“Nagkataon lang talaga sched ng game namin talagang malalakas kaagad natapat sa amin noong natalo kami sa Creamline. ‘Di lang Creamline kalaban namin pati crowd, homecourt ni Alyssa (Valdez) ‘yun,” aniya.

Humirit naman sa Lady Oragons (1-2) sina Macy Ubben at Lauren White sa naiskor na tig-15 puntos.

Samantala, nakamit ng Balipure ang ikatlong sunod na panalo nang pabagsakin ang BanKo Perlas, 25-22, 25-22, 22-25, 32-30.

Impresibo ang Water Defenders matapos ang kabiguan sa unang laro, sapat para makisosyo sa liderato sa powerhouse Creamline at PayMaya.

Taliwas naman ang kapalaran ng The Spikers na natamo ang apat na sunod na kabiguan matapos ang mahigpitang five-setter win laban sa Cool Smashers sa opening day.

Sa men’s division, naisalba ng Vice Co. ang matikas na ratsada ng Instituto Estetico Manila, 28-30, 25-21, 25-23, 25-16.

Nanguna si Richard Solis na may 17 puntos para sa Blockbusters, tumabla sa IEM na may 2-1 karta.

Humataw naman sa Vice Co. sina John Paul Bugaoan na may 13 puntos at Jude Garcia at Redijohn Paler na may tig-10 puntos.