Bagamat tinanggihan na ng Bureau of Immigration (BI) ang kanyang mosyon at tinaningan na siyang umalis sa bansa hanggang ngayong Biyernes, wala pang balik umalis ang 71-anyos na madreng Australian na si Sister Patricia Fox dahil aapela pa siya sa Department of Justice (DoJ).

“While the Order stated that it is final and executory, Sister Pat is not precluded from filing an appeal to the Secretary of the Department of Justice,” saad sa pahayag ni Fox. “Under the Bureau of Immigration Omnibus Rules of Procedure of 2015, an Order cancelling one’s visa becomes effective fifteen days after receipt of such Order, and is tolled by the filing of a Motion for Reconsideration and by the subsequent filing of an appeal. Thus, it is not immediately executory as the Bureau of Immigration claims.”

Kasabay nito, iginiit din ng madre na walang “factual and legal basis” ang reklamo laban sa kanyang pakikibahagi umano sa political activities habang nasa bansa.

Kinatigan kahapon ng BI ang pagpapawalang-bisa nito sa missionary visa ni Fox makaraang ibasura ng Board of Commissioners with finality ang motion for reconsideration na isinampa ng mga abogado ni Fox para baligtarin ang utos ng board nitong Abril 23 na bumawi sa visa ng madre, at nag-atas ditong lisanin ang bansa sa loob ng 30 araw.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“This order is final and executory. We will not entertain any further motion for reconsideration,” pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente.

Nilinaw din ng tagapagsalita ng BI na si Dana Sandoval, na nakabimbin pa ang reklamo sa deportasyon ni Fox kaugnay ng pakikibahagi umano sa political activities, dahil hiwalay ito sa pasya ng board tungkol sa visa ng dayuhang madre.

Sa kabila nito, ayon kay Sandoval, maaari pa ring bumalik si Fox sa bansa bilang turista dahil hindi pa naman ito naitala sa blacklist ng BI.

-Leslie Ann Aquino at Mina Navarro