PAGAGANDAHIN at aayusin ng Philippine General Hospital (PGH) ang Emergency Room (ER) at mga obstetrician (OB) facility simula sa Hunyo 1 upang pag-ibayuhin ang kanilang paglilingkod.

“This (renovation) is really to enhance it, increase the capacity, provide more isolation rooms, four operating rooms, and a bigger holding area. And it requires a bit sacrifice among the public,” pahayag ni PGH Spokesperson Dr. Jonas del Rosario sa panayam nitong Miyerkules.

Sinabi ni Del Rosario na ang renovation ay maaaring tumagal ng sampung buwan simula sa Hunyo 1.

Aniya, makatutulong ang publiko kung sa halip na sa PGH magpunta, ay sa ibang malalapit na ospital na lamang muna magpagamot. Ito ay dahil prayoridad ng ospital ang mga pasyenteng may kaso ng trauma gaya ng mga taong nakaranas ng stroke, atake sa puso, aksidente, appendicitis o intestinal obstructions at para sa mga manganganak nang buntis.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“If it’s not really an emergency, don’t head to PGH anymore. Just go to the nearest hospital in your area so that we can allow or give a chance to those patients who really have life-threatening conditions,” saad niya bilang payo sa mga pasyente at kanilang mga kamag-anak.

Kabilang sa mga non-threatening condition na kanyang tinutukoy na maaaring dalhin sa ibang ospital ang pagkakaroon ng sipon at ubo, pagtatae at iba pang pangkaraniwang sakit.

Gayunman, siniguro niyang hindi nila tatanggihan ang mga pasyente at pakakalmahin muna bago sila ilipat sa ibang ospital.

“S’yempre kung andyan ‘yung pasyente sa harap namin, at pumunta sa PGH. If the patient is presented to us in PGH, we will attend to them and stabilize them in the ER,” sabi pa ni del Rosario.

PNA