Nakatakdang ilatag ng Philippine National Police (PNP) ang operational plan (Oplan) nito para sa balik-eskuwela sa bansa sa susunod na Hunyo 4.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, kaugnay ng kautusan ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa pulisya na maglagay ng mga police assistance desk sa lahat ng paaralan para sa muling pagbubukas ng klase.

Idinahilan ni Albayalde na may template nang sinusunod ang PNP sa pagpapatupad ng seguridad sa pagbubukas ng klase, katulad ng template nila sa nakalipas na Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Mayroon din, aniya, silang mga itinuturing na “hot spots” sa pagbubukas ng klase na kanilang tututukan.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sinabi ni Albayalde na dalawang pulis ang ide-deploy sa bawat police assistance desk na itatayo sa mga paaralan, at mas marami sa hot spots.

Hindi na rin, aniya, nagbaba ng alert level ang PNP matapos ang nakalipas na halalan, bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase.

-Fer Taboy