VIENNA (AFP) – Dalawampu’t pitong (27) taon simula ngayon, halos ikaapat na bahagi ng populasyon ng mundo ang magiging obese, pahayag ng mga mananaliksik nitong Miyerkules, na nagbabala hinggil sa tumataas na bayarin sa pagpapagamot.

Kung magpapatuloy ang kasalukuyang trend, 22 porsiyento ng mga tao sa mundo ay magiging obese pagsapit ng 2045, tataas ng 14% kaysa nakalipas na taon, ayon sa research na iprinisinta sa European Congress on Obesity sa Vienna.

Isa sa walo katao, tumaas mula sa isa sa 11, ang magkakaroon ng type 2 diabetes — sakit na karaniwang tumatama sa pagtanda resulta ng pagiging overweight.

“These numbers underline the staggering challenge the world will face in the future in terms of numbers of people who are obese, or have type 2 diabetes, or both,” sabi ng mananaliksik na si Alan Moses ng Danish healthcare company na Novo Nordisk’s research and development department.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“As well as the medical challenges these people will face, the costs to countries’ health systems will be enormous,” dugtong niya.

Inanalisa ni Moses at ng kanyang grupo ang population data para sa lahat ng bansa sa mundo, na nakuha mula sa database ng World Health Organization.

Sa global survey noong 2016 lumutan na ang ratio ng obese adults ay mahigit dumoble sa nakalipas na 40 taon simula noong 1975.

Natuklasan na sa halos limang bilyong adults na nabubuhay noong 2014, 641 milyon ay obese.

-Agence France-Presse