MAY maliit na posibilidad na atakehin sa puso at ma-stroke ang mga taong kumakain ng isang itlog araw-araw, kaysa sa mga taong hindi kumakain minsan man nito, ayon sa pag-aaral ng grupo ng mga Chinese.

EGGS

Sinuri ng mga mamamahayag ang survey data ng pagkonsumo ng itlog ng 461,213 indibiduwal na ang average age ay 51. Natuklasan nila sa pag-aaral na wala nagkaroon ng sakit sa puso sinuman sa mga ito.

Sa kabuuan, kumain sila ng kalahating itlog araw-araw; siyam na porsiyento naman sa mga ito ang hindi kumain ng itlog samantalang 13 porsyento naman ang kumain ng isang itlog kada araw.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“This is important to people, especially those in the part of the world where eggs are major sources of high-quality proteins and other important nutrients for the body,” pahayag ni Dr. Luc Djousse, isang mananaliksik sa Harvard Medical School sa Boston na walang kaugnayan sa pag-aaral.

“The take-home message from this is that when consumed in moderation, there does not appear to be an elevated risk of developing heart disease or stroke,” sabi pa ni Djousse.

Pero hindi nangangahulugan na kailangan nang kumain ng three-egg omelet tuwing mag-aalmusal.

“That’s because the study doesn’t offer any insight into the risk of heart disease or stroke associated with more than one egg a day,” ani Djousse.

“Eggs are not safe for anyone at risk of heart attacks or strokes, but particularly not for diabetics,” lahad naman ni Dr. J. David Spence ng Western University Stroke Prevention & Atherosclerosis Research Center sa London, Ontario.

“Eggs increase the risk of vascular disease,” sabi pa ni Spence, na hindi kasama sa pag-aaral. Halimbawa, naglalaman ang egg yolk ng phosphatidylcholine, isang kemikal na nakapag-aambag sa pagbabara ang arteries, aniya.

Ang itlog din ang pangunahing pinagkukunan ng dietary cholesterol, ngunit mayroon din itong high-quality lean protein at maraming bitamina, ani study team sa journal na Heart.

Para sa optimal heart health, inirekomenda ng AHA ang Dietary Approaches to Stop Hypertension (DASH) diet o ang Mediterranean-style diet. Tampok sa naturang diets ang pagkonsumo ng unsaturated vegetable oils, nuts, fruits, vegetables, low-fat dairy products, whole grains, fish at poultry, at parehas ay naglilimita sa red meat, gayundin ang mga pagkain at inuming mataas ang added sugars at salt.

-Reuters Health