‘DI tulad ng napakagandang Siargao Island kung saan nagdudulot ng ibayong kasiyahan ang “surfing” sa maraming turista roon, at kung saan nagpapatayo umano si House Speaker Pantaleon Alvarez ng isang magarang mansyon, ang lunduan ng pulitika sa kanyang congressional district sa Davao de Norte ay tila nagiging hindi kaaya-aya.
Patunay nito ang kahiya-hiyang pagkatalo ng 90% ng mga kandidatong sinuportahan ng Speaker sa katatapos na halalang pang-Barangay at Sangguniang Kabataan sa kanyang distrito.
Mula nang maluklok si Alvarez bilang House Speaker, ibinandila niya ang kanyang walang pakundangan at respetong pag-uugali at paraan ng pamumuno. Bukod sa iba pa, dalawang ulit niyang hiniya sa publiko ang kanyang asawa, hiniya at hinainan ng kaso ang kanyang ‘best friend’ na mambabatas, nakipag-away kay Davao City Mayor Sara Duterte, at tinawag niyang mga mandarambong at magnanakaw ang angkan ng Floirendo-Del Rosario ng Davao del Norte.
Upang ilihis ang mga batikos ng media sa naulat niyang mga transaksiyong lupain sa Siargao at Davao, itinuro ni Alvarez kamakailan ang dati niyang kakampi at kaibigang si Rep. Antonio “Tonyboy” Floirendo na siyang pinagmulan ng hindi magandang balita tungkol sa kanya. Sa isang pahayag, heto naman ang sagot ni Floirendo:
“Let me say this with candor: Why panic if there’s nothing to hide, and why blame others for his personal engagements? Why press the panic button and accuse me of being the culprit?
“There’s no need to dictate to media what to do. They know better when someone’s body language is telegraphing a message, and they have their sources to confirm and affirm their stories.
“On a personal note, the things that are slowly unravelling are tell-tale signs the laws of karma are at work, immutable as they are that no leader of any legislative body can amend or extinguish.
“It’s not for me to take the initiative of probing the newly acquired wealth of the Speaker. The Ombudsman, on its own, possesses the wherewithals to find out and expose the truth. What we believe is that the official records cited by the press speak with certitude.”
Ayon sa mga taga-puna, halos tiyak na ang pagkatalo ni Alvarez sa susunod na halalan. Sinasabi rin nilang nakikita na niya ang pagsasanib ng mga puwersang dudurog sa kanya. Batid din ng kanyang mga nasasakupan ang tungkol sa kanyang mansyong ipinatatayo ng kanilang kinatawan sa Siargao, kung saan maaari siyang magtago at magpahilom ng sugat matapos ang inaasahan niyang pagkatalo sa 2019.
-Johnny Dayang