MARAMI ang kinilig, lalo na ang JenDen fans sa sunud-sunod na posts nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa sabay nilang pagsi-celebrate ng birthday sa Balesin Island, Quezon province. Jen turned 31 last May 15 at si Dennis naman 37 na last May 12.

jen

Sa isang Instagram (IG) post ni Dennis, pasan niya sa likod si Jen at ang caption niya: “Papasanin ko kahit ang buong mundo para lang sa ‘yo, makita ko lang na lumigaya ka ng ganito.” At tinawag naman ni Jen ng ‘mahal’ si Dennis.

Pero hindi lang sa kanyang lovelife masaya si Jen, successful din kasi ang kanyang epidemic serye sa GMA-7 na The Cure. May mga naninira na six weeks lang daw ang itatagal ng kanilang serye, na ngayon ay pumapalo sa rating games at magaganda ang feedback at nagiging trending topic sa social media.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kamakailan ay napili sila bilang isa sa Top 10 sa Social With List for April kasama ng ibang international shows, at number 4 sila sa list of “most talked about shows in social media” sa nakuhang 46,000 tweets noong pilot episode nila last April 30. Naging obvious tuloy na pilit lang sinisiraan ang show na sinubaybayan pala ng netizens.

“Thankful po kami dahil sa mga natatanggap naming feedback kung ano ang mga susunod na mangyayari dahil excited na sila na gabi-gabi may mga lumalabas na infected at naghahasik na ng takot sa ibang tao,” sabi ni Jen. “Then pumapasok pa rin ang pagmamahal bilang isang pamilya nina Greg (Tom Rodriguez), ako as Charity at ang daughter naming si Hope na ang husay-husay umarte ng bagets. At siyempre, si Ms. Jaclyn Jose, na napakabait at understanding na si Dr. Evangeline Lazaro. Maraming salamat din sa comment nila sa social media na The Cure is #WalkingDeadFeelings ang #NotYourAverageLoveStory.”

Kinaiinisan ang characters nina Ronnie Henares, Jay Manalo at Mark Herras, at kagigiliwan naman ang mahinahon na characters nina Ken Chan at Arra San Agustin at ang pagiging kontrabida ni LJ Reyes na hindi maitago ang pagmamahal niya kay Greg.

Napapanood gabi-gabi ang The Cure after ng 24 Oras.

-NORA CALDERON