Tinaasan ng Kamara ang puwedeng gastusin ng mga kandidato at partido para sa kampanya.
Inaprubahan ng Mababang Kapulungan, sa botong 188-0, ang House Bill 7295 na inakda ni Quezon City Rep. Feliciano Belmonte Jr, para susugan ang Republic Act (RA) No. 7166 o “An Act Providing For Synchronized National And Local Elections And For Electoral Reforms, Authorizing Appropriations Therefor, And For Other Purposes”.
Sa ilalim nito ang pinapayagang gastos sa election campaign ay ang mga sumusunod: P50 bawat botante sa para sa President at P40 para sa Vice-President; P30 bawat botante para sa Senators, District Congressman, Governor, Vice- Governor, Board Members, Mayor, Vice-mayor at Councilors, at P10 bawat botante para sa Party-list Parties.
Maaari namang gumastos ang political parties ng P30 sa bawat botante na nakarehistro sa constituency o constituencies na mayroong official candidates.
Ang isang kandidato na walang political party at walang suporta mula sa alinmang political party, ay pahihintulutang gumastos ng P40 sa bawat botante.
-Bert De Guzman