Wala nang anumang sorority, fraternity, at mga kahalintulad na organisasyon ang kinikilala ng pamunuan ng University of Santo Tomas (UST) simula ngayong Academic Year 2018-2019.

Batay sa isang-pahinang memorandum na ipinalabas ni Ma. Socorro Guan Hing, direktor ng UST Office for Student Affairs (OSA), nabatid na nagdesisyon ang unibersidad na suspendihin ang anumang pagkilala sa lahat ng fraternity, sorority, at mga katulad na organisasyon sa UST, kasunod ng pagkamatay sa hazing ng freshmen law student nitong si Horacio ‘Atio’ Castillo III noong nakaraang taon.

Kaugnay nito, mahigpit na ring pinagbabawalan ng pamunuan ng UST ang mga naturang samahan na mag-recruit ng mga bagong miyembro.

Maging ang mga estudyante ng UST, partikular na ang mga mag-e-enroll sa unibersidad ngayong pasukan, ay mahigpit ding pinagbabawalang sumapi sa mga nasabing samahan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Paliwanag ng OSA, layunin ng pasya ng UST “to take proactive steps to protect the students from the danger in participating in activities that will involve hazing”.

-Mary Ann Santiago