MAAARI nang matukoy kung may posibilidad na magkaroon ng diabetes ang isang tao, sa pamamagitan ng pagsailalim sa blood test, lahad sa resulta ng bagong pag-aaral.

Sinuri ng mga mananaliksik ang mga datos mula sa dalawang magkaibang type ng dugo sa sugar test ng mahigit 34,000 partisipante sa U.S. employee wellness program na walang diabetes.

“Identifying diabetes risk is really important because we know that type 2 diabetes can be prevented or delayed with effective intervention, including exercise and diet changes,” lahad ni Laura Rosella ng Dalla Lana School of Public Health sa University of Toronto.

“Employers would be interested in knowing who is at risk for diabetes so that they could potentially play a role in facilitating or offering preventive strategies that would prevent full blown diabetes,” sabi pa ni Rosella. “This keeps their employees healthy and prevents downstream health and disability care costs.”

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa buong mundo, tinatayang isa sa sampu katao ang may diabetes, ayon sa report ng World Health Organization. Karamihan ay nagtataglay ng type 2 diabetes, na may kaugnayan sa obesity at pagtanda at lumalabas na hindi kaya ng katawan ng isang taong apektado, na magproseso ng sapat na hormone insulin.

Makatutulong ang medikasyon gayundin ang pagbabago ng pang-araw-araw na pamumuhay gaya ng mas maayos na diet at pag-eehersisyo at ugaliin ang pag-alam sa mga sintomas ng sakit. Kapag hindi agad nagamot ang diabetes, ang mapanganib na high blood sugar ay maaaring mauwi sa pagkabulag, pagputol sa ilang bahagi ng katawan, pagkasira ng kidney, sakit sa puso at stroke.

“One of the key issues with diabetes is that a person may make the transition from not having diabetes to having diabetes and not otherwise know it,” pahayag ni Dr. Robert Cohen ng University of Cincinnati College of Medicine at ng Cincinnati VA Medical Center.

-Reuters Health