WASHINGTON (Reuters) – Hindi inimbitahan ng Pentagon ang China sa malaking naval drill na hosted ng United States bilang tugon sa militarisasyon ng Beijing sa mga kapuluan sa South China Sea, isang desisyon na tinawag ng China na unconstructive.

“As an initial response to China’s continued militarization of the South China Sea we have disinvited the PLA Navy from the 2018 Rim of the Pacific (RIMPAC) Exercise,” sinabi ni Lieutenant Colonel Christopher Logan, a Pentagon spokesman.

Ang PLA ay English-language acronym ng militar ng China, ang People’s Liberation Army.

Hindi binanggit ni Logan ang iba pang maaaring gawing hakbang ng US government para idiin na mayroong “strong evidence” na nagpadala ang China ng anti-ship missiles, surface-to-air missile systems at electronic jammers sa mga pinagtatalunang bahagi ng Spratly Islands.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

“We find that a very unconstructive move,” sinabi ng top diplomat ng China na si State Councilor Wang Yi, sa mga mamamahayag sa Washington matapos makipagpulong kay US Secretary of State Mike Pompeo.

Inilarawan ni Wang ang aktibidad ng China sa South China Sea na self-defense, at iginiit na ito ay “much smaller scale” kaysa ginawa ng United States sa Hawaii at Guam. “We hope that the US will change such a negative mindset,” aniya.

Nitong weekend, lumapag ang bombers ng Chinese air force sa mga pinagtatalunang isla at bahura sa South China Sea bilang bahagi ng training exercise nito sa rehiyon, na labis na ikinabahala ng Vietnam at Pilipinas.