PLANO ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na makipag-ugnayan at ipresinta sa multi-national corporation ang programa ng ahensya para sa pagkakaloob ng montly allowances sa mga Pinoy na dating world champions.
“May template na tayo. Ready na ang sistema ng programa. Tiyak ko magugustuhan din ito ng mga kaibigan natin sa corporate world o mga individual na may pagpapahalaga sa ating mga kababayan tulad ng mga dati nating kampeon na nalubog sa dusa matapos ang matagumpay na career sa professional boxing,” pahayag ni Mitra.
“They deserved it, dahil hindi naman natin matatawaran yung naibigay nilang karangalan sa bayan noon,” aniya.
Sa kasalukuyan, hindi kabilang ang mga pro boxers at iba pang pro athletes sa retirement benefits at cash incentives na tulad nang nakukuha ng mga amateur champions batay sa umiiral na ‘Athletes Incentives Act’.
“Totoo naman na dahil professional sila, may sarili silang mga premyong nakuha noon. Pero alalahanin natin sa hirap ng buhay at mga pagsubok na hindi naman natin kontrol marami sa mga dati nating world champion ang talaga namang hirap sa buhay sa ngayon,” ayon kay Mitra.
“Kung ang isang dayuhan na tulad ni Singwangcha ay naglaan nang halaga bilang pagkilala at respeto sa ating mga boxers, tayo pa kaya na mga Pinoy,” aniya.
Nag-uumapaw ang kasiyahan ng mga dating world champion na sina Eric Chavez at Epetacio Agapay (Tracy Macalos) nang matanggap ang tig-P3,000 monthly allowances na kaloob ng Naris Singwangcha Foundation kamakiailan sa GAB office.
“So far 27 ang mga dati nating world champion na pasok dito sa programa. We already contacted them and right now itong dalawang champion natin ang nag-availed na,” pahayag ni Mitra.
Ang 53-anyos na si Chavez mula sa Bataan ay dating IBF World Minimumweight Champion. Nakamit niya ang titulo noong 1999 sa edad na 24-anyos.
Napatanyag naman sa boxing world si Macalos, kasalukuyang GAB-licensed trainer, ng tanghaling IBF World Light Flyweight Champion sae dad na 23-anyos noong 1988.
Samantala, ipinahayag ng GAB na maglalagay na rin ng Philippine Boxing Youth Champion.
“Based on initial discussion and soon will be approved by the GAB Board, boxers who are entitled in the RP Youth Championship must be 18 to 23 years & 11 months old, and has fought at least seven (7) professional bouts and has won two (2) 8-round bouts,” sambit ni Mitra
-EDWIN ROLLON