IDINAAN ng Team Sarimaw sa sayaw sa pangunguna ni Aiko Melendez ang init at pagod na nararamdaman sa taping ng Bagani sa isang malayong lugar na kahit may mga puno ay nanlalapot sila.

Untitled-1 copy

Habang naghihintay ng take ang Team Sarimaw at nakahilera silang lahat kasama ang mga talent ay may sumigaw ng ‘actors, actress, taga-saan ka?’ at sumagot ang grupo ng, ‘Taga-Bagani’ sabay tugtog at nagsawayan na ang lahat.

Ang Taga-Saan Ka challenge ay pinauso sa It’s Showtime sa pangunguna nina Vice Ganda, Jhong Hilario, Amy Perez, Anne Curtis at Billy Crawford.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang post ni Aiko sa Instagram ay umabot na sa mahigit 207K views kahapon at halos lahat ng komento ay tuwang-tuwa sa grupo at may nagsabi pang, “walang init sa set kaya papawis muna.’

In fairness, napakagaling ng Team Sarimaw na talagang hindi nagpatalo si Aiko dahil may pa-puwet pa siyang style at sabay push-up, samantalang si Robert Seña naman ay humiga-higa pa sa lupa.

Mukhang effective ang Taga-Saan Ka dance challenge ng Team Sarimaw dahil ang taas ng ratings nila nitong Lunes. Nagtala sila ng 31.2 nationwide kumpara sa katapat nitong Kambal Karibal na 17.6 mula sa datos ng Kantar Media.

Sa umeereng episode ng Bagani ay kailangang maipanalo ni Lakas (Enrique Gil) ang laban niya sa bruhang si Gandara para mailigtas na niya si Ganda (Liza Soberano) sa pagkakakulong.

-REGGEE BONOAN