OAKLAND, California (AP) – Sasabak ang Golden States Warriors laban sa Houston Rockets sa krusyal Game 5 sa Huwebes (Biyernes sa Manila) na posibleng wala sina streak shooter Klay Thompson (left knee strain) at Andre Iguodala (left leg bruise), ayon sa pahayag ng koponan nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Natamo ni Thompson ang injury sa second quarter ng Game 4 nang bumagsak ito sa sahig matapos ang driving lay-up. Panandalian siyang namalagi sa locker room ngunit nagbalik din ilang minuto makalipas. Nalimitahan siya sa 10 puntos mula sa mababang 4-of-13 shooting.

Hindi naman nakalaro si Iguodala sa Game 4 dahil sa pamamaga ng kaliwang tuhod matapos makabanggaan si James Harden sa second half ng Game 3. Matapos ang isinagawang ensayo nitong Huwebes, sinabi ni coach Steve Kerr na maayos na ang galaw ni Iguodala.

Higit naman siyang optimistiko sa kalagayan ni Thompson.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Klay is moving around really well. I think Klay is going to fine,” aniya.