LAGOS (AFP) – Hinimok kahapon ng Amnesty International ang Nigeria na aksiyunan ang mga akusasyon na ginahasa ng mga sundalo at miyembro ng civilian militia ang mga babae at bata sa mga liblib na kampo para sa mga lumikas sa pananakot ng Boko Haram.

Tinipon ng rights watchdog ang maraming testimonya tungkol sa mga diumano’y pang-aabuso ng security forces, kabilang ang mga pagpuwersa sa mahihinang survivors na makipagtalik kapalit ng pagkain.

Sinabi ni Amnesty Nigeria director Osai Ojigho, na panahon na para ipakita ni President Muhammadu Buhari ang kanyang ‘’frequently-expressed commitment to protect the human rights of displaced people in northeast Nigeria.

‘’Sex in these highly coercive circumstances is always rape, even when physical force is not used, and Nigerian soldiers and (militia) members have been getting away with it,’’ ani Ojigho.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Batay sa huling tala noong Abril 30, halos 1.8 milyong katao sa Nigeria ang lumikas dahil sa mga karahasan ng rebeldeng Boko Haram, na pumatay na ng 20,000 katao simula 2009.