Malugod na tinanggap ng Malacañang ang pag-apruba ng bicameral conference committee sa panukalang magkaroon ng Philippine Identification (ID) system sa bansa.

Sa mensahe na ipinadala ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi niya na ito ay magandang balita.

“That’s good news! It’s a priority administration bill,” sabi ni Roque sa text message niya kahapon sa mga mamamahayag sa Palasyo.

Inaprubahan ng bicameral committee ang Senate version ng panukala nitong Martes ng gabi. Ayon kay Senador Panfilo Lacson, kaunti lamang ang binago sa Senate Bill 1738, o ang Philippine Identification System (PhilSys) Act of 2018.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“They agreed to adopt the Senate version with minor amendments. May suggestion sila. Basta substantially Senate version ‘yan,” sabi ni Lacson. “Ie-enrol. Enrolled bill. Then ‘pag enrolled ang bill, punta sa Malacañang. Within 30 days kailangang pirmahan.”

Sinabi ni Lacson na ipatutupad ang ID system ngayong taon, at may inisyal na pondong P25 bilyon.

Umaasa rin ang senador na ire-report ni Duterte ang tungkol sa National ID Law sa ikatlo nitong State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo.“I hope so [it gets mentioned in the SONA]. This is a landmark legislation. It’s been languishing in both Houses for 18 years,” sabi ni Lacson.

-Argyll Cyrus B. Geducos