HINDI lang pala iisa ang pelikulang ginagawa tungkol sa Marawi siege na nangyari noong 2017. Nauna na ang Ang Misyon: A Marawi Siege Story na distributed ng Star Cinema at mapapanood na sa Mayo 30.

MARTIN copy

Ayon sa nakuha naming impormasyon ay kuwento ito ng tunay na nangyari sa Marawi na marami tayong kababayang namatay at pinatay ng mga terorista.

Pangunahing bida sa A Marawi Siege si Martin Escudero bilang isa sa mga terorista at isang nurse sa nasabing bayan.

Pelikula

Hello, Love, Again, kumita ng ₱85M sa unang araw!

Makakasama ni Martin sina Rez Cortez, Tanya Gomez, Darius Razon, Jordan Castillo, Mia Mendiola, Cloyd Robinson, Jack Falcis, Chamberlaine Uy, John Michael Wagnon, Tim Sawyer, China Roces, Al Flores, Juan Miguel Soriano at Lou Veloso mula sa direksyon ni Cesar Soriano.

May gagawin ding war movie ang Spring Films na Marawi rin ang titulo na ididirek naman ni Sheron Devoc, kaya curious kami kung ano naman ang magiging kuwento nito.

Tinext namin ang isa sa Spring Films producer na si Binibining Joyce Bernal kung ano ang pagkakaiba ng Ang Misyon: A Marawi Siege Story sa gagawin nilang pelikula.

“Hindi ko pa alam, hindi ko pa napanood (ang Marawi Siege),” sagot sa amin ng direktora.

Marami pa ang inaayos sa script nila kaya hindi pa nagsisimula ang shooting ng Spring Films.

-REGGEE BONOAN