Hiniling ni Senador Antonio Trillanes IV sa Senado na alamin ang sitwasyon ng rehabilitasyon sa Marawi City, isang taon matapos itong salakayin ng Maute-ISIS.

Inihain ni Trillanes ang Senate Resolution 742 kahapon, ang unang anibersaryo ng pagsisimula ng limang-buwang digmaan sa Marawi.

“A year after the Marawi siege, the government has yet to present a comprehensive plan on how it intends to rehabilitate the City and assist our kababayans (countrymen) there. Worse, its efforts are hampered by a number of issues, from questionable contractors that would rebuild the city, to displacement or land grabbing fears of the affected residents,” sabi ni Trillanes sa isang pahayag.

“One year after it erupted, our affected kababayans continue to suffer and remain to be on the losing end of this crisis. How can the government alleviate their suffering if until now it still has no final and comprehensive rehabilitation plan?” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kanyang SRN 742, hiniling ni Trillanes sa Senate Special Committee on Marawi City Rehabilitation, na binuo noong nakaraang taon upang antabayanan ang progreso ng rehabilitasyon sa siyudad, na alamin ang sitwasyon ng isinagawang rekonstruksiyon sa lungsod.

Nais malaman ng senador sa Task Force Bangon Marawi ang tungkol sa kalagayan at kabuhayan ng mga bakwit makalipas ang limang buwang bakbakan.Samantala, sa kanyang Senate Bill No. 1816 ay iginiit naman ni Senador Bam Aquino na bayaran ang mga nasirang bahay ng mga residente.

“The Marawi crisis left thousands of Marawi residents without shelter, jobs and other means of livelihood. Kailangan nila ng agarang tulong mula sa pamahalaan upang sila’y makabangon at makabalik sa normal na pamumuhay,” ani Aquino.

-Vanne Elaine P. Terrazola at Leonel M. Abasola