PARA sa isang aktor na gaya ni Gabby Eigenmann, ang sarap sigurong basahin ng feedback ng viewers ng Contessa sa mahusay niyang pagganap sa role bilang Vito Imperial, ang main contravida ni Glaiza de Castro.

Gabby Eigenmann 2 copy

Marami ang galit kay Vito (Gabby) dahil sa sobrang kasamaan kay Contessa (Glaiza) at sa mga nakakalaban. Pero sa episode last Tuesday, may mga naawa kay Vito nang saksakin ang kanang mata na ikinabulag nito. Dahil sa mahusay na pagganap, kahit kontrabida, nakuha pa rin ni Gabby ang simpatiya ng viewers.

Sigurado lang babalik ang galit ng viewers kay Gabby kapag gumaling na ang mga mata at ituloy ang paghihiganti kay Glaiza. Mamu-mura na naman nito si Gabby, pero sa ngayon, kinaaawaan muna siya ng viewers.

Pelikula

FL Liza Marcos, ilang senador dumalo sa VIP screening ng 'Hello, Love, Again'

Mahusay na pagganap din ang mapapanood kay Gabby sa Citizen Jake bilang si Roxie Herrera na ang peg ng karakter ay tauhan ng pelikulang The Godfather ni Francis Ford Coppola. Sa husay ni Gabby, matutuwa ang moviegoers sa kinahinatnan ng karakter niyang si Roxie.

Habang naghihintay tayo ng mga susunod pang pelikula ni Gabby, sa Contessa muna tayo tumutok. Isa sa mga eksenang nagustuhan namin sa aktor ay nang mag-ayos babae siya, mag-date sila ng lover niyang si Phytos Ramirez at pumunta sa bar para sa mga closet gay at magsayaw. That was a moving and beautiful scene for us!

–Nitz Miralles