Tatlo sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte, kabilang ang dalawang bata, ang kasama sa mga mag-aaral na naturukan ng kontrobersiyal na Dengvaxia vaccine kontra dengue.

Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher Go nitong Martes na tatlong batang miyembro ng pamilya Duterte ang binakunahan ng Dengvaxia. Gayunman, nilinaw niya kahapon na dalawang bata lamang at isang matanda ang tumanggap ng bakuna.

Nilinaw ni Go sa isang text message sa mga reporter sa Palasyo nabakunahan ang bunsong anak ni Dutertena si Veronica, apong si Sabina, at asawa ni dating Davao City vice mayor Paolo Duterte na si January.

“Kitty (Veronica), Sabina, and January (wife of Paolo). Uno, not yet. Per correction by January Duterte,” saad sa text message ni Go.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Mahigit 800,000 batang Pinoy ang nabakunahan ng Dengvaxia sa ilalim ng programa na isinulong ng administrasyong. Gayunman, sinabi ng Dengvaxia manufacturer na Sanofi Pasteur na maaaring palalain ng bakuna ang mga epekto ng dengue sa mga taong ngayon pa lamang kinapitan ng virus.

Sinabi ng Department of Health (DoH) na sa tala nitong Mayo 15, 11 a 87 batang namatay matapos tumanggap ng Dengvaxia ay nagkaroon ng dengue kahit sila ay mabakunahan.

Gayunman, nilinaw ng DoH na wala silang ebidensiya na may kinalaman o ang bakuna mismo ang sanhi ng pagkamatay ng mga bata.

Samantala, ipinasa ng House Appropriations Committee nitong Martes ang 2018 supplemental budget na gagamitin sa medical aid para sa mga biktima ng Dengvaxia vaccine.

Inaprubahan ng komite ang panukala ng Department of Health (DoH) na maglaan ng malaking halaga mula sa P1.161 bilyon supplemental budget para ayudahan ang mga pasyenteng naturukan ng Dengvaxia.

Kukunin ang budget mula sa halagang ini-refund ng French pharmaceutical firm Sanofi Pasteur, ang manufacturer Dengvaxia, sa gobyerno ng Pilipinas.

-Argyll Cyrus B. Geducos at Bert De Guzman