Tatlo ang patay habang 25 ang nadakip sa magkasunod na anti-illegal drug raid ng Bulacan police kamakailan.

Sa ulat na ibinahagi ni acting police director Senior Supt. Chito G. Bersaluna, ikinasa ang operasyon sa iba’t ibang bahagi ng probinsiya na nagresulta sa pagkamatay ng isang Alias Kuba sa Barangay Sto. Cristo Pulilan, Bulacan; alyas Michael sa bayan ng San Jose del Monte; habang napatay naman sa Calumpit si Ruel Barcelona, na hustong gulang.

Ayon sa awtoridad, natunugan ng mga napatay na suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon at agad bumunot ng baril at pinaputukan ang mga pulis na napilitan umanong gumanti.

Narekober sa mga napatay na suspek ang dalawang cal. 38 at 48 na revolver, 20 pakete ng hinihinalang shabu at buy-bust money.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Samantala, iniulat din ni Bersaluna ang pagkakaaresto sa 25 suspek sa droga, kabilang ang ilang menor de edad, na nadakip sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa mga bayan ng Balagtas, Baliuag, Hagonoy, Bustos, Bulakan, Bocaue, San Jose Del Monte, Maycauayan, Plaridel, Obando at Sta Maria. Nakumpiska sa operasyon ang anim na pakete ng hinihinalang shabu at buy-bust money. Dinala ang mga suspek at ang mga ebidensya sa Bulacan Crime Laboratory Office para masuri habang inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa mga suspek.

-Freddie C. Velez