Handa ang gobyerno na suspendehin ang pagpataw ng buwis sa langis sa ilalim ng bagong tax reform law para maibsan ang bigat ng paglobo ng presyo ng mga produktong petrolyo sa publiko.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na may kasamang probisyon sa suspensiyon ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act kapag umabot sa $80 kada bariles o mas mataas pa ang pandaigdigang presyo ng langis.

“Excise taxes will be suspended if they reach a certain amount if I’m not mistaken $80. So we’re ready kung talagang umabot ng ganyan kataas na suspende ang koleksyon ng excise taxes pagdating sa produkto ng langis,” sinabi ni Roque sa press briefing sa Palasyo tungkol sa contingencies ng gobyerno para protektahan ang publiko sa tumataas na presyo ng langis.

Bukod sa suspensiyon ng excise taxes sa ilalim ng TRAIN law, sinabi ni Roque na dapat ding ipatupad ang cash transfer program na ipinagkaloob ng batas sa pinakamahihirap na pamilya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Naglabas ng pahayag si Roque matapos muling magtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa bunsod ng pagtaas sa presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan. Tumaas ang presyo ng gasoline ng P1.6 kada litro, at P1.15 naman sa diesel.

-Genalyn D. Kabiling