KIDAPAWAN CITY – Tumangging maupo sa puwesto ang kandidato para kagawad na idineklara ng Board of Election Canvassers (BEC) na nanalo sa eleksiyon noong nakaraang linggo, sa Kidapawan City, North Cotabato.

Nanindigan si Jerome Recosana kay Julia Abrea, nanalong chairwoman ng Barangay Junction, na hindi siya karapat-dapat na maupo sa konseho ng barangay dahil nagkamali lamang, aniya, ng pagtatala sa nakuha niyang boto.

Ayon kay Recosana, batay sa itinalang boto sa certificate of canvass, nakakuha siya ng 186 na boto.

“Sa totoo lang, 86 lang ang nakuha ko. Hindi 186. Alam kong nagkamali sa recording,” giit ni Recosana.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sinabi ni Abrea na ang ikapitong slot para sa kagawad ay dapat na iginawad kay Helen Ompoc, na batay sa BEC records ay siyang tunay na nakakuha ng 186 na boto.

“Si Ompoc talaga ang may 186 votes, hindi si Recosana. BEC lang ang dapat na sisihin dito,” ani Abrea.

-Malu Cadelina Manar