NAGSAMPA ng kaso ang babaeng nagbintang kay R&B singer R. Kelly ng sexual battery, false imprisonment at panghahawa ng sexual disease, nang makasalamuha niya ito sa isang party noong 2017, at ito ang pinakabagong akusasyon laban sa Grammy-award-winning pop star.

R. Kelly copy

Sa civil lawsuit na isinampa sa New York state court nitong Lunes, ipinahayag ng babae na si Faith Rodgers, na una niyang nakasama si Kelly sa party nang magtanghal ito sa San Antonio, Texas, noong Marso 2017, noong siya ay 19 taong gulang pa lamang.

Itinanggi naman ni Kelly, 51, ang ilang akusasyon ng pangmomolestiya laban sa kanya nitong nakaraang taon.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Sinabi ng kanyang manager na si John Holder nitong Martes sa isang email na si Kelly ay no comment “at this time” tungkol sa kasong isinampa ni Rodgers.

Hindi rin nagpaunlak ng komento ang RCA record company publicist na si Theola Borden nang hilingan ng salaysay.

Inilahad ni Rodgers, 20, sa lawsuit na ang singer na nakilala sa awiting I Believe I Can Fly, ay gumawa ng paraan para mabisita niya sa New York noong Mayo 2017 at “initiated unwanted sexual contact” sa kanya roon.

“During the course of their, approximately one-year relationship, defendant, R. Kelly, routinely engaged in intimidation, mental, verbal and sexual abuse, during and after sexual contact,” saad sa dokumento, at sinabing ang ginawa ni Kelly “was designed to humiliate, embarrass, intimidate and shame Plaintiff.”

Binanggit ni Rodgers sa interview ng CBS This Morning nitong Martes na si Kelly “has this type of, like, intimidation right off the bat. ... So I was just waiting for it to be over.”

“I found myself like that multiple times,” dagdag pa ni Rodgers.

Sa lawsuit, inakusahan din niya si Kelly na ikinulong siya sa loob ng ilang oras bilang parusa at lingid sa kanyang kaalaman na hinawaan siya nito ng herpes sa kanilang pagtatalik.

Matatandaang inalis ng music streaming service Spotify ang mga awitin ni Kelly mula sa promotional playlists ngayong buwan. Na sinundan ng #MuteKelly campaign, na sinusuportahan ng Time’s Up campaign laban sa sexual harassment sa trabaho, at nanawagan sa mga kumpanya na may kinalaman sa kanyang music business na sibakin ang singer.

Bilang komento sa desisyon ng Spotify, inilahad ng management ni Kelly sa isang pahayag: “Mr. Kelly for 30 years has sung songs about his love and passion for women. He is innocent of the false and hurtful accusations in the ongoing smear campaign against him, waged by enemies seeking a payoff.”

-Reuters