CAMP GEN.PANTALEON GARCIA, IMUS, Cavite – Arestado ang isang lalaki matapos masamsaman umano ng isang kilo ng umano’y shabu, na nagkakahalaga ng P6.5 milyon, sa buy-bust operation sa Area I, Dasmariñas City sa probinsiyang ito kamakalawa.

Inaresto ang suspek sa surveillance ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Police Regional Office (PRO) 4-A, Cavite Police Provincial Office (PPO), at Dasmariñas police.

Kinumpirma ng PPO ang pagkakaaresto sa suspek at ang pagkakasamsam sa 1,000 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,500,000, ganap na 4:00 ng hapon nitong Lunes.

Kinilala ng PPO ang suspek ngunit hindi pa ito isinisiwalat sa ngayon.

Probinsya

Dalaga sa Iligan City, nawawala; ‘manipulative boyfriend,’ pinaratangang sangkot

Idiniretso ang suspek at ang nakumpiskang umano’y shabu sa PDEA-Region 4-A Office sa Laguna, ayon sa PPO.

-Anthony Giron