Dalawang shipment ng shabu ang naharang ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa magkahiwalay na pangyayari sa terminal sa NAIA sa Pasay City.

Ayon kay Commissioner Isidro Lapeña, ang dalawang shipment ng shabu, na may bigat na 2,375.5 gramo, ay tinatayang nagkakahalaga ng P11.87 milyon.

Ang isa sa mga package, na naglalaman ng 2,031 gramo ng shabu, ay nakapangalan kay Juey Cuenca ng Imus, Cavite at naharang noong Abril 27. Ito ay ipinadala sa isang Stephanie Morse.

“The other was seized on April 23 containing 344.50 grams of shabu and is consigned to Susano Trinidad of Cubao, Quezon City. The sender is a certain Audio Schit,” ani Lapeña.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang mga package na nagmula sa California, USA ay idineklara bilang medicine cabinet at unan, ayon sa pagkakabanggit.

Natuklasang droga ang laman ng mga padala sa pamamagitan ng Customs- NAIA examiner. Ang mga parcels ay isinailalim sa X-ray, K9 sweeping, field test na gumagamit ng chemical identifier at reagent at natuklasang may ilegal na droga, ayon pa kay Lapeña.

Nadiskubre rin na gawa-gawa lamang ang consignees at address ng pagdadalhan ng naturang mga package.

“In support of the anti-drug campaign of President Rodrigo Duterte, we have intensified our anti-drug operations at the ports, and so we were able to apprehend eight drug shipments in March and April in NAIA alone,” pahayag ni Lapeña.

-Mina Navarro