Nagpapasaklolo ang Northern Police District (NPD) sa mga lokal na pamahalaan mula sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela hinggil sa kakulangan sa baril ng kanilang mga pulis.

Sa monthly meeting ng NPD Advisory Council, inamin ni Police Supt. Jeffrey Bilaro, hepe ng District Logistics Division, ang napakalaking kakulangan sa short at long firearms ng kanilang mga pulis ngayong 2018.

Sa datos ng opisyal, sa 3,214 na tauhan nasa 4,091 lamang ang naisyuhan ng “short firearms” at ito ay katumbas lamang ng 79 porsiyento.

Sa “long firearms”, tinatayang nasa 1,636 na tauhan ang target na maarmasan nito ngunit, nasa 459 lamang ang naisyuhan o 28%.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Dahil sa mga kakulangan, maaari umanong malagay sa panganib ang buhay ng kanilang mga tauhan lalo na kung sasabak sa mga operasyon.

Sa kasalukuyan, nagpapatupad na lamang ng NPD ang “buddy system” , partikular na sa pagpapat rulya kung saan ipinapares ang mga pulis na walang baril sa meron.

Bukod sa mga armas, kapos din umano ang NPD sa mga patrol cars, communication equipments, investigation equipments tulad ng computer sets at mga bala.

Samantala, handa naman sumuporta sa NPD sina Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, Malabon City Mayor Lenlen Oreta at Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian sa pagbibigay ng mga patrol cars at iba pang gamit habang nakikiusap ang NPD kay Navotas City Mayor John Rey Tiangco ng tulong para sa Navotas City Police.

-Orly L. Barcala