SEOUL (AFP) – Nagtipon ang mga imbitadong banyagang journalists sa North Korea kahapon para saksihan ang pagsira sa nuclear test site ng ermitanyong bansa.

Sorpresang ipinahayag ng Pyongyang nitong buwan ang balak na wasakin ang Punggye-ri facility sa hilagang silangan ng bansa. Sa Punggye-ri isinagawa ang lahat ng anim na nuclear tests ng NoKor, ang huli at pinakamalakas ay noong Setyembre 2017, na ayon sa Pyongyang ay isang H-bomb.

Isasagawa ang demolisyon simula Miyerkules hanggang Biyernes, depende sa panahon. Ilang foreign journalists, kabilang ang mula sa South Korea, ang inimbitahang dumalo sa demolition ceremony.

Tumulak ang mga mamamahayag mula sa China, US at Russia sakay ng charter flight mula Beijing nitong Martes patungo sa North Korean city ng Wonsan. Mula doon bumiyahe sila ng 20 oras hanggang sa east coast sakay ng tren at lilipat sa bus patungo sa remote test site.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina