INIINBESTIGAHAN ngayon ang celebrity chef na si Mario Batali dahil sa umano’y pangmomolestiya na naganap noong 2005, pahayag ng pulisya nitong Lunes, bunsod ng pagsulpot ng naturang report habang iniimbestigahan ang pangalawang askusasyon ng assault laban sa kanya noong 2004.

Chef Mario

Chef Mario

“I vehemently deny any allegations of sexual assault,” lahad ni Batali na pahayag na inilabas ng kanyang kinatawan na si Linden Zakula. “My past behavior has been deeply inappropriate and I am sincerely remorseful for my actions.”

Sinabi rin ni Batali na hindi siya nagtatangkang gumawa ng professional comeback at, “My only focus is finding a personal path forward where I can continue in my charitable endeavors - helping the underprivileged and those in need.”

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang chef, na nagmamay-ari ng ilang restaurants, ay inakusahan ng pangangaladkad at pangmomolestiya ng isang empleyado sa isa sa mga restaurant niya noong 2005, saad sa report ng 60 Minutes program ng CBS-TV na umere nitong Linggo.

Kinumpirma naman ng New York City Police Department sa isang email nitong Lunes na sinimulan na nito ang pag-iimbestiga sa 2005 allegation case.

Isa si Batali sa maraming high-profile men na sinibak o nagbitiw sa kanilang trabaho sa pulitika, media, entertainment at negosyo, nang maharap sa mga alegasyon ng sexually harrasment at assault ng kababaihan at kalalakihan.

-Reuters