NAGA CITY, Camarines Sur – Dalawang katao ang binawian ng buhay habang siyam ang nasugatan sa karambola ng limang behikulo sa Maharlika Highway sa Barangay Mabini, Libmanan, Camarines Sur, kahapon ng umaga.

Isa sa mga biktima ang kinilalang si Ronnel Pena, residente ng Pili, Camarines Sur, driver ng Toyota Avanza; habang ang isa pa ay si Leoncia Mangiren, 60, ng Del Rosario, Naga City, na pasahero ng Ford Everest.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, tinangka umanong mag-overtake ng Avanza, na patungong Naga at minamaneho ni Pena, sa nasa unahang bus ngunit nabigo ito kaya bumalik sa kanyang lane, na nagresulta sa pagsalpok nito sa van na binabagtas naman ang salungat na direksiyon.Sunud-sunod nang nagsalpukan ang mga sasakyang kasunod ng Avanza – ang Tropol Bus, Ford Everest at Philtranco Bus.

Kabilang naman sa mga sugatan ang isang batang babaeng tumalsik sa kalsada dahil sa lakas ng impact ng banggaan.Isinugod sa ospital ang mga biktima habang patuloy ang imbestigasyon hinggil sa insidente.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

-Ruel Saldico