APEKTADO pa rin si Ariana Grande ng Manchester bombing.

Ariana copy

Nitong Martes, Mayo 21, ang unang anibersaryo ng tragic attack na naganap sa kanyang concert sa English city, at nag-post ang No Tears Left to Cry singer sa Twitter ng mensahe at suporta para sa lungsod at sa kanyang fans.

“Thinking of you all today and every day,” saad ng 24 taong gulang na performer, kasama ang bee emoji – kilala ang worker bee bilang simbolo ng metropolis. “I love you with all of me and am sending you all of the light and warmth I have to offer on this challenging day.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nitong nakaraang linggo, ginunita ni Ariana ang naganap na trahedya, at inamin sa panayam para sa in Next Generation Leaders issue ng Time, na “It’s still so heavy on my heart.

“There are so many people who have suffered such loss and pain. The processing part is going to take forever,” aniya. “Music is supposed to be the safest thing in the world. I think that’s why it’s still so heavy on my heart every single day. I wish there was more that I could fix. You think with time it’ll become easier to talk about. Or you’ll make peace with it. But every day I wait for that peace to come and it’s still very painful.”

Panandaliang lumayo sa limelight pagkaraan ng ilang buwan matapos ang pag-atake, bumalik na ulit si Grande sa spotlight, mula sa paghahanda ng release ng kanyang bagong album na mayroong anthemic new single, at pagiging co-host sa The Tonight Show Starring Jimmy Fallon, sa opening ng ngayong taong Billboard Music Awards, at pagdalo sa 2018 Met Gala – ang kanyang unang red carpet appearance simula noong Manchester attack.

“Oh my God, it’s a gift and it’s a joy and I’m so grateful to be back,” sabi ni Grande kay Keltie Knight ng ET sa New York City fashion event ngayong buwan. “I’m feeling great -- this is my first Met,” ulat ng Entertainment Tonight.