Hinikayat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang umano’y mga biktima ng karahasan sa pagpapatupad ng martial law sa Mindanao, na lumantad at magbigay ng detalye sa kanilang sinapit.

Sa isang panayam, sinabi ni AFP Spokesman Marine Col. Edgardo Arevalo na iba-validate muna ang reklamo ng ilang grupo sa Mindanao tungkol sa kanilang ikina-trauma sa pagpapatupad ng batas militar.

“We have to find out who are the ones talking and we will validate, we will confirm it if they are really victims of the alleged abuses committed by their troops,” sabi ni Arevalo.

Aniya, sa tuwing kinakapanayam nila ang mga taga-Mindanao ay sinasabi ng mga ito sa kanila na tanggap sa rehiyon ang martial law dahil nagkakaloob ito ng kaligtasan sa kanila.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

-Francis T. Wakefield