MONCADA, Tarlac – Isang 59-anyos na lalaking tumatawid ang nasugatan makaraang mabangga ng motorsiklo, habang nasugatan din ang magkaangkas nang bumalandra sa kalye ang sasakyan dahil sa pagkakabundol sa Barangay Tubectubang, Moncada, Tarlac, nitong Sabado ng umaga.

Ayon kay SPO1 Jayson Zalun, isinugod sa Ramos-Cuchapin Clinic sa Moncada, Tarlac sina Percival Sebastian, 59, may asawa, ng nasabing barangay; Christian Marquez, 17, driver ng motorsiklo (XA-7112), at taga-Bgy. Poponto; at Reina Rizza Adalla, 13, kapwa ng Bgy. Poblacion East, Bautista, Pangasinan.

-Leandro Alborote
Probinsya

3-anyos na bata, todas sa hampas ng kawayan at inihataw pa sa semento ng sariling lolo!