Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagkamatay ng dalawang overseas Filipino workers (OFWs) sa sunog sa isang construction site sa Najran province, sa Saudi Arabia, nitong Linggo.

Ayon sa natanggap na ulat ng DFA mula sa Konsulado ng Pilipinas sa Jeddah, kinilala ang mga nasawing Pinoy na sina Jessie Alata Pacetes at Reynaldo Barroga Castro, kapwa heavy equipment driver at operator sa isang construction company sa Saudi. May ginagawa silang kalsada sa Najran nang mangyari ang insidente.

Nagpaabot na ng pakikiramay si DFA Secretary Alan Peter Cayetano sa mga naulilang pamilya ng dalawang OFW.

Nagpadala na rin ng mga tauhan ang Konsulado sa Najiran para makipag-ugnayan sa employers ng mga biktima at maiayos ang agarang pagpapauwi sa kanilang mga bangkay sa Pilipinas at matiyak na walang foul play sa insidente.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Sa ulat ni Consul General Edgar Badajos, sumiklab ang sunog pasado 1:00 ng madaling araw nitong Linggo, sa tinutulugang quarters ng 15 Pinoy sa construction site, may 60 kilometro ang layo buhat sa Najran province. Sinasabing faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog.

-Bella Gamotea