Milyong halaga ng paninda ang naabo makaraang masunog ang isang palengke sa Barangay Poclacion, Cotabato City, nitong Lunes ng gabi.

Sa report ng Bureau of Fire and Protection (BFP), nag-umpisa ang apoy sa ikalawang palapag ng Mega Market, dakong 11:00 ng gabi.

Ayon pa sa BFP, tinatayang aabot sa 1,000 negosyante ang naapektuhan.

Sa salaysay ng isa sa mga stall owner, si Bai Lyn Untong, nasunog ang mga paninda niyang bigas, asukal at itlog na tinatayang aabot sa P100,000 ang halaga.

Inaalam na ng Cotabato Fire Station ang sanhi ng insidente.

Probinsya

Batang nabitawan ng ina matapos silang sumemplang sa motor, patay sa bangga ng bus!

-Fer Taboy