SAN FRANCISCO (AP) — Sa kasalukuyang serye sa Western Conference finals, malinaw na magkakaroon ng ‘blowout’ sa resulta ng laro kung hindi matamlay ang opensa ng sinuman sa magkatunggali.

Sa Game 3, natikman ng Rockets ang pinakamasaklap na kabiguan sa kasaysayan ng potseason series nang magapi ng Golden State Warriors, 126-85, sapat para makuha ng defending champion ang 2-1 bentahe sa serye.

Sa pagpalo ng Game 4 sa Martes (Miyerkules sa Manila) ang unang mababalahibuhan ang siyang muling madudurog sa laban.

“I kind of expected that yesterday, that it would be that type of game,” pahayag ni Rockets coach Mike D’Antoni. “We didn’t bring our best game. But I’m hoping for the best. I hope we play great and them bad. Never know.”

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ngunit, naniniwala si D’Antoni na mas pressure ang Warriors sa Game 4, sa kabila ng katotohanan na an gang Rockets ang naghahabol.

“We should always have a swagger,” sambit ni star guard James Harden.

“But even more importantly, tomorrow. They’ve got to try to take a 3-1 lead going on the road. Tie this thing up going back to our crib.”

Iginiit naman ni Warriors coach Steve Kerr na handa silang suungin ang anumang hamon dahil tiwala siyang kondisyon at focus ang kanyang tropa taliwas sa porma sa Game 2 kung saan ay naibaon sila ng Rockets sa 127-105.

Para kay one-time MVP Kevin Durant, ang dahilan sa pagkakaroon ng malaking bentahe sa panalo sa serye ay ang kakayahan ng bawat koponan na makaiskor sa long distance.

“The 3-pointer’s such a huge part of the game now that it could easily go from six to 16 or 17 in a matter of seconds in the game,” pahayag ni Durant. “So I wouldn’t say ... the games aren’t good. It’s just the fact that the style of play causes teams to pull away a little faster.”

Sa pagratsada ng Game 4, sasabak ang Warriors na wala ang key player na si forward Andre Iguodala bunsod nang pamamaga ng kaliwang tuhod. Malaking pagbabago ang kailangang ayusin ni Kerr para madepensahan si Harden.