BUMISITA kami sa taping ng The Cure sa Antipolo at nadatnan ang mabibigat na eksenang kinukunan ni Direk Mark Reyes, ni hindi tuloy namin siya nakausap. Ang humarap sa amin ay sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez na kahit pagod sa sunud-sunod na eksena, masaya pa ring nakipagkuwentuhan.

jennylyn copy

Good thing na nakapagpahinga ng ilang araw sa Balesin Island si Jennylyn, kaya recharged ang aktres. Doon niya ipinagdiwang ang 30th birthday noong May 15, naunang nag-celebrate ng 37th birthday si Dennis Trillo. Kumpleto ang pamilya ni Dennis at pamilya ni Jennylyn sa Balesin Island, kaya mas naging espesyal ang kanilang bakasyon.

“Wala na akong birthday wish, ang gusto ko lang, ‘wag akong magkasakit at maging healthy palagi. Mag-isa akong nagtatrabaho, ayaw kong magkasakit, for my family,” paunang salita ni Jennylyn.

Tsika at Intriga

Andrea, aminadong may mga 'nagpaparamdam' manligaw pero nililigwak

Hindi na binanggit ni Jennylyn kung ano ang birthday gift sa kanya ni Dennis at kung ano ang birthday gift niya sa aktor. Ang importante, magkasama sila at ang kanya-kanyang pamilya sa magkasunod na birthday nila. Pati ang kanya-kanyang anak na si Calix at si Jazz, nakapag-bonding din.

Sa mga naghihintay na kung kailan mapapanood ang Balintawak training na ginawa ni Jennylyn bilang paghahanda sa fight scenes niya sa The Cure, mukhang malapit na ‘yun, abang-abang lang.

“Siguro after nitong episode ng Tent City, baka magka-fight scene na ako. Pero ‘wag masyadong mag-expect ang televiewers na heavy ang fight scenes na gagawin ko. Nag-training ako in preparation na rin. Si Tom ang sumabak na sa action scenes, may mga battle scars na nga siya,” sabay turo ni Jennylyn kay Tom.

Nahihiya man, pero ipinakita na rin ni Tom ang right arm na may galos pa at peklat dahil sa ginawang fight scenes.

“Lahat ng eksena ko sa The Cure, enjoy ako, pero mas enjoy ako sa action at fight scenes, ang sarap gawin. May fight scene ako habang umaandar ang truck, wala akong double at hindi naman ako nahulog. Mahilig ako sa martial arts, kaya gusto ko ng action scenes, matagal kong hinintay ito,” sabi ni Tom.

Nang dumalaw kami sa taping, week five ng serye ang kinukunan, pero ang hawak na script nina Tom at Jennylyn ay pang-week seven na. Matutuwa ang viewers ng epidemic drama sa magaganda, excting, nakakakaba at nakakatakot na mga eksena. –

-Nitz Miralles