NANALO ang ABS-CBN ng Bronze World Medal sa 2018 New York Festivals World’s Best TV & Films (NYF) para sa kampanya nitong “To Love and To Serve” sa kategoryang Station/Image Promotion ng prestihiyosong kompetisyon.

Ang TV spot ay gawa ng ABS-CBN Creative Communication Management (CCM) na ipinahiwatig ang pasasalamat ng ABS-CBN dahil sa karangalang maging bahagi ng pagmamahalan ng bawat pamilyang Pilipino.

Kasama sa mga ipinakita sa bidyo ang tricycle drayber na nag-uwi ng pinag-ipunang segunda manong TV set para sa kanyang pamilya, domestic helper na naglalagay ng mga pasalubong sa balikbayan box, amang pinupuri ang lalaking anak sa kanyang dinisenyong gown, ang pagtutulung-tulong ng mga Muslim at Kristiyano para makapag-abot ng relief goods sa mga biktima ng kalamidad, at iba pang pagsasalamin sa pagkakaisa at pagmamahalan ng mga Pilipino.

Ang kampanyang “To Love and To Serve” ay gawa nina Christine Daria Estabillo, Maria Lourdes Parawan, at Raywin Tome, at idinirihe ni Paolo Ramos.

Tsika at Intriga

Ogie may banat, ginamit 'modus' ng mga naka-school uniform na nagtitinda ng sampaguita

Nagwagi rin ng Gold World Medal award ang ABS-CBN para sa dokumentaryong “’Di Ka Pasisiil.” Samantala, nagwagi ang ANC, the ABS-CBN News Channel, ng Silver World Medal para sa pilot episode na “Bandurria” ng programang dokumentaryo nito na “Local Legends.”