Pinagbibitiw ni Atty. Ferdinand Topacio sa puwesto si Supreme Court Spokesman Atty. Theodoro Te.

Ito reaksiyon ni Topacio sa post ni Te sa kanyang personal social media accounts noong May 11, 2018 kasunod ng paglabas ng desisyon ng SC sa quo warranto petition laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa kanyang Facebook at Twitter accounts, nagpost si Te ng mga katagang: I DISSENT.

Giit ni Topacio, kahiya-hiya para kay Te na maglabas ng sariling opinyon gayong ang kinakatawan niya ay ang buong SC. Kaya alang-alang sa delikadeza ay mainam na magbitiw na si Te sa puwesto kung hindi pala siya kaisa sa diwa ng SC.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

-Beth Camia