IPINAHAYAG ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan nitong Lunes na tumatanggap na ang ahensiya para sa applications ng mga nagnanais na mag-operate ng Small Town Lottery (STL) para sa lalawigan ng Iloilo at Cavite.

Nagsisimula ang pagtanggap ng bagong aplikasyon at tatagal hanggang Hunyo 15, 2018. Sa mga interesado, kumpletuhin ang aplikasyon sa STL Advisory Committee na matatangpuan sa 4th Floor, Sun Plaza Building, 605 Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Ayon kay Balutan, ang kontribusyon ng STL para sa kaban ng bayan ay umabot na sa P8 bilyon mula sa P20.8 billion sales ng PCSO mula Enero hanggang Abril na kinapapalooban ng mga larong Keno at Sweepstakes, mas mataas ng 29.30 percent sa kaparehong panahon.

Ngunit, kung ikukumpara ang kinita ng STL sa kaparehong panahon, bumaba ang remittance ng STL sa P1.9 bilyon mula sa P2 bilyon na kinita ngAbril. Iginiit ni Balutan na ang pagbaba ng remittance ng STL ay bunga nang pagterminate sa ilang Authorized Agent Corporations (AAC) na tahasang bumaliwala sa sa Implementing Rules and Regulations (IRR).

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“From 84, there are now 81 STL operators. We have to terminate erring AACs because of repeated violations of the STL-IRR, especially under-remittance of the Presumptive Monthly Retail Receipt (PMRR)”, pahayag ni Balutan.

“This is the reason why there will be a temporary slowing down of revenues from the STL because some AACs was sanctioned and/or terminated for violations of the IRR. The PCSO Board is now opening applications to replace these terminated AACs. We shall not hesitate to terminate more if they don’t pay the correct PMRR,” aniya.

Kamakailan, nagsagawa ang PCSO ng consultative meeting sa AAC upang tignan ang pagkakaroon IRR .

“We are going to fast-track the process of bidding to prevent illegal numbers game operators from putting up juetenglike what’s happening in other provinces. When there’s no legal operator, illegal operators come in. And they are out there to discredit PCSO’s STL program,” pahayag ni Balutan.

“For our part, we shall continue to support President Rodrigo Duterte’s all-out war against anti-illegal gambling by strengthening our IRR and completely eradicating jueteng, masiao, swertres, peryahan ng bayan, and all forms of illegal gambling,” aniya.