BAYOMBONG, Nueva Vizcaya -- Pinatunayan ng mga Pinoy riders na kayang-kaya nilang makipagsabayan sa mga dayuhan lalo na sa rematehan matapos magwagi ni Ronald Oranza kahapon sa 9th Le Tour de Filipinas Stage 2 na nagsimula sa Cabanatuan City, Nueva Ecija at natapos sa Nueva Vizcaya.

Tinapos ni Oranza, kumakatawan sa Philippine Navy Standard Insurance, ang 15

LODI! Higit na nakapagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataan ang personal na masaksihan ang husay ng mga atleta, tulad ng mga siklistang kalahok sa Le Tour de Filipinas na bumagtas sa lansangan ng Guiguinto, Bulacan, habang magisang tinawid ni Ronald Oranza ang finish line sa Stage 2 kahapon. Ipinaliwanag naman ni Welsh Louise Jones sa media conference ang ilang desisyon sa naganap na ‘no race’ sa Stage 1 nitong Linggo. Ang two-time Olympian at International Commissaire ang unang babae na Chief Commissaire sa Le Tour de Filipinas. (ALVIN KASIBAN)

LODI! Higit na nakapagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataan ang personal na masaksihan ang husay ng mga atleta, tulad ng mga siklistang kalahok sa Le Tour de Filipinas na bumagtas sa lansangan ng Guiguinto, Bulacan, habang magisang tinawid ni Ronald Oranza ang finish line sa Stage 2 kahapon. Ipinaliwanag naman ni Welsh Louise Jones sa media conference ang ilang desisyon sa naganap na ‘no race’ sa Stage 1 nitong Linggo. Ang two-time Olympian at International Commissaire ang unang babae na Chief Commissaire sa Le Tour de Filipinas.
(ALVIN KASIBAN)

7.9 kilometro karera sa loob ng tatlong oras, 48 minuto at 36 na segundo.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Si Oranza ang unang local rider na nagwagi ng stage sa LTDF kasunod ni Mark John Lexer Galedo noong 2014.

Naungusan niya sa top stage honor sina Jiung Jang ng Korail Cycling Team ng Korea at si Metkel Eyob ng Terrengganu Team ng Malaysia na bumuntot sa parehong tyempong 3:48:37.

Dahil sa panalo, hawak ngayon ng 26-anyos na rider na tubong Villasis, Pangasinan ang pamumuno sa general individual classification patungo sa penultimate stage ngayon na magsisimula sa Nueva Vizcaya at matatapos sa Lingayen, Pangasinan.

Para naman sa team classification, dalawang local teams, ang Navy -Standard Insurance at 7 Eleven Cliqq Roadbike Philippines ang nanguna sa 17 koponang kalahok.

Dahil sa pagpasok sa top ten finishers ng tatlo nilang riders na pinangungunahan ni Oranza kasama si Jan Paul Morales na pumang-apat at El Joshua Cariño na pumang-pito, nakuha ng Navy ang team stage honors matapos magtala ng kabuuang oras na 11:25.48 may tatlong segundo ang kalamangan sa 7-Eleven na nagtala ng 11:25.51.

Isa pang Pinoy rider ang nakasama sa unang sampung siklistang tumawid sa finish line sa katauhan ni Cris Joven ng Bike Extreme Philippines na tumapos na pangwalo.

-Marivic Awitan