Pormal nang bumaba sa puwesto kahapon si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III at ini-nominate si Sen. Vicente “Tito” Sotto III bilang kapalit niya.

Inihayag ni Pimentel sa press briefing sa Senado kahapon ang pagbaba niya sa puwesto bilang pinuno ng Mataas na Kapulungan ilang araw makaraang lagdaan ng mayorya ng mga senador ang draft resolution na sumusuporta sa reorganisasyon sa Senado at naghahalal kay Sotto bilang bagong Senate president.

“I am together with my colleagues in the Senate majority in this reorganization in of the Senate leadership and announce that I will be the one to nominate Senator Vicente Sotto III as the new Senate President today, May 21, 2018,” saad sa speech ni Pimentel.

Dahil dito, si Pimentel na ang ika-16 na senador na sumusuporta kay Sotto bilang bagong lider ng Senado. Labinlima sa 17 miyembro ng majority bloc ang lumagda sa nasabing resolusyon nitong weekend.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“I wish my successor , Senator Sotto, good health and God speed, and pledge to help the new leadership pass pro-people legislation consistent with the legislative agenda of the President,” sabi ni Pimentel.

Nagpasalamat din siya sa mga kapwa senador.

“I am grateful for the support extended by my colleagues in the Senate during my term. All of them played significant roles in the crafting and the passage of landmark legislation that have helped improve the lives of our people,” aniya, at nilinaw na inirerespeto niya ang pasya ng majority bloc na palitan siya.

Una nang nagpahayag ang ilang senador na hindi sila kuntento at nalalamyaan umano sila sa pamumuno ni Pimentel, partikular sa naging reaksiyon nito sa mga pag-atake ni House Speaker Pantaleon Alvarez laban sa Senado.

Sinabi pa ni Pimentel na hindi na niya kailangan pang bigyan ng mga instruksiyon si Sotto kung paano pangangasiwaan ang Senado dahil ito ang pinaka-senior sa kanilang lahat, bilang pinakamatagal nang nagsisilbing senador ng bansa.

Halos apat na termino nang nagsisilbing senador si Sotto simula 1992.

“Wala na pong makakapag-advise kay Senator Sotto kasi nadaanan na niya lahat ‘yan. Kabisado na niya lahat ‘yan,” ani Pimentel, at sinabing may isang payo lang siya sa bagong Senate president: “Just be yourself.”

Si Sotto ay apo ng dating senador na si Vicente Sotto noong dekada ’50, at may akda ng Press Freedom Law.

Si Pimentel, na presidente ng PDP-Laban na kinaaaniban ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay kakandidatong muli sa p a g k a s e n a d o r s a mi d t e r m elections sa susunod na taon.

-VANNE ELAINE P. TERRAZOLA at LEONEL M. ABASOLA