NAKALASAP ng unang pagkatalo si Filipino Vince Paras nang mabigo sa puntos kay IBF minimumweight champion Hiroto Kyoguchi sa Ota-City General Stadium sa Tokyo, Japan.

Napabagsak ni Paras si Kyoguchi sa ikatlong round ng kanilang 12-round na sagupaan ngunit naging maingat na ang Hapones kaya nagwagi ito sa mga iskor na 117-100, 117-110 at 117-110.

“Unbeaten IBF mini-flyweight champ Hiroto Kyoguchi, 105, kept his belt as he came off the canvas in the third session, controlled the remainder of the bout with his aggressiveness and pounded out a unanimous decision over previously undefeated Filipino Vince Poras,105, over twelve speedy rounds in Tokyo, Japan,” ayon a ulat ng Fightnews.com.

“Kyoguchi, a prohibitive favorite, was in command in almost all rounds except in round three, when Poras caught the scrappy titlist with a solid left hook to the temple, sending him sprawling to the canvas. It wasn’t a damaging knockdown but a surprise for Kyoguchi, who, from then on, persistently and patiently threw more jabs to carefully dominate the action,” dagdag sa ulat. “The champ had the Filipino challenger at bay in the tenth, but Poras refused to go down and showed his heart and durability.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Napaganda ni Kyoguchi ang kanyang rekord sa perpektong 10 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts samantalang bumagsak ang kartada ni Paras sa 13 panalo, 1 talo na may 11 pagwawagi sa knockouts.

-Gilbert Espeña