Isang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na dinukot tatlong buwan na ang nakararaan ang pinalaya kahapon ng Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu.

Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines-Joint Task Force (AFP-JTF) Commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana na nagsabing resulta lamang ito ng matinding military pressure sa mga kidnapper.

Nakilala ng kidnap-victim na si Engr. Enrico Nee, district engineer/employee ng DPWH District 1 sa Sulu. Ang biktima ay dinukot noong Pebrero 14, 2018 ng grupo nina Mujir Hadiada at Sawadjaan, na kinikilalang k a b i l a n g s a m g a l i d e r n g bandidong grupo.

-Francis T. Wakefield
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists