Mas maghihipit na ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa mga panuntunan para sa overseas Filipino workers sa Kuwait,
Sa kautusan ng Pangulo, bumuo si Labor Secretary Silvestre Bello III ng cluster committee na pamumunuan ni Undersecretary Jing Paras, para magbabalangkas ng bagong guidelines bilang tugon sa nilagdaang memorandum of understanding (MOU) ng Pilipinas at Kuwait.
Dahil wala pang tiyak na petsa sa paglalabas at pagpapatupad ng bagong panuntunan, niliwanag ng DoLE na sa ngayon ay dapat munang dumaan sa training ang mga gustong maging OFW sa Kuwait. Dapat ding magpa-accredit ng recruitment agencies sa Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) bago tumanggap ng mga aplikante.
-Mina Navarro