Inihayag ng Malacañang na ikinatutuwa ni Pangulong Duterte kung paano hinaharap ni bagong Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang sunud-sunod na kontrobersiya tungkol sa kurapsiyon na kinasasangkutan umano ng kagawaran.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ibahagi ni Puyat ang pagkabigla sa laganap umanong kurapsiyon sa Department of Tourism (DoT).

“She was appointed with the express mandate to do good and to fight corruption, and she’s doing just that. President’s very pleased,” sinabi ni Roque nitong Linggo ng umaga.

Itinalaga ni Pangulong Duterte si Puyat bilang bagong kalihim ng DoT kasunod ng pagbibitiw sa puwesto ni Wanda Teo sa gitna ng anomalya sa P60-milyon advertisement deal sa pagitan ng DoT at ng programa sa PTV-4 ng mga kapatid ng dating kalihim, ang magkakapatid na Tulfo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

-Argyll Cyrus B. Geducos