BAGUIO CITY - Tumaas ang bilang ng mga kaso ng dengue sa Cordillera Administrative Region (CAR) sa unang 17 linggo ng taon, ayon sa Department of Health (DoH).

Inilabas ng DoH ang nasabing datos matapos silang maalarma sa naitalang 87 porsiyentong pagdami ng nasabing kasong naitala sa tinukoy na panahon, o umabot sa 903.

Binanggit ni Geeny Anne Austria, regional epidemiology and surveillance unit officer ng DoH-CAR, na mas mataas ito kumpara sa naitalang 484 na kaso sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Tatlong bata, aniya, ang binawian ng buhay sa rehiyon dahil sa dengue ngayong taon, dalawa sa Baguio City at sa La Trinidad sa Benguet, at isa sa Pangasinan.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Binalaan naman nito ang publiko na panatilihin ang kalinisan sa loob at labas ng kanilang bahay upang hindi ito pamugaran ng mga lamok na nagdadala ng dengue.

-Rizaldy Comanda